Award Winning Books
A   B   C   D   E   F   G   H   I   J   K   L   M   N   Ñ   O   P   Q   R   S   T   U   V   W   X   Y   Z   #   
     
     
Search Options    
     
   

Kuwadro Numero Uno: Mga Tula

Benilda Santos


Winner, National Book Award, Poetry, 1996

Nagkamit ng National Book Award noong 1996, itinatanghal ng aklat ang mga matimpi, matipid, at siksik na talinghaga ng pag-ibig; matalik, payak, at tahimik na pagmumuni-muni sa kasalimuotan ng modernong buhay; at marubdob na paglalarawan sa kamalayan ng babae na bumubuko sa mga imahen ng kalikasan na nagsisikap humagip sa elemental at espirituwal.

Pasig City: Anvil Publishing, 1996

ISBN: 971-542-492-9
146 pages
   
 
   

Kuwentong Kutsero

Epifanio Matute


Winner, National Book Award, Drama, 1996

Nagsimulang magsulat si Epifanio G. Matute noong 1927 habang nasa high school pa lamang. Sa mga unang taon ng dekada trenta, nakapaglathala siya ng nobela at maiikling kuwento na lumabas sa Taliba, Liwayway, Sampaguita, Pipit-Puso, at Ilang-Ilang. Naging bahagi siya ng Dramatic Philippines na sa panahon ng pananakop ng bansang Hapon ay nag-akma at nagsalin ng mga banyagang dula sa Filipino. Nagpatuloy ang kanyang asosasyon sa grupong ito makaraan ang digmaan. Nagsulat siya ng mga satirikong dula para sa radyo, tanghalan, pelikula, at telebisyon. Pinakapopular sa mga ito ang Kuwentong Kutsero.

Quezon City: University of the Phillipines Press, 1996

ISBN: 971-54-2141-5
346 pages
   
 
 << Prev   1  2   Next >>