Tulaan sa Tren
Estranghero

ni Rio Alma

(Read by Julius Babao)

 

 

Bawat bituin ay isang tahanan,

Kumakaway at naghihintay,

Nagpapasikdo sa mithiing maglakbay.

Wala, wala akong kasiyahan;

Walang pantalan o himpilang makatighaw

Sa bughaw na uhaw

At matandang pintig ng nunal sa talampakan.

Read more...
 
SA METRO1 LINEA 3 (Pagkamatay…Pagkabuhay)
ni Gexter Ocampo Lacambra

 2nd prize, Tulaan sa Tren 2 Poetry Writing Contest, Filipino Category

   
(Read by Christine Bersola-Babao)

 

 

Araw-araw, kusa naming inililibing ang aming sarili.

Nagpapahugos kami sa napakalalim na hukay

patungo sa hintayan ng aming kabaong.

 

Read more...
 
2121 Abenida Rizal

ni Epifanio San Juan, Jr.

 

Lumilipas ang lahat na parang tubig sa ilog.  -  Herakleitos

 

Sa panaginip nagsisimula ang pananagutan.  -  W.B. Yeats

 

 

Tumitili ang sirena ng  tren sa tining ng hatinggabi –

Sa iglap ng orasan, tumitili!

Tuwing hatinggabi sa krus na daan ng Blumentritt

Umuulos sa kaluluwa

Ang tudla ng panahon  . . .

Read more...
 
Pan-rush Hour

ni Joselito dela Cruz

 

1st Prize, Tulaan sa Tren 2 Poetry Writing Contest, Filipino Category

 

 (Read by Romnick Sarmenta)

panrush hour.jpg

Dapat walang pagsalang deretsong riles ang liston

ng iyong abuhing pantalon upang hindi mapahiya

sa kintab ng kabibiton mong Lunes at sapatos

na karengga ng magpakailanman mong kurbata’t

nanggagalaiting kuwelyo ng bihis-Makati o Ortigas.

Read more...
 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 Next > End >>

Results 25 - 32 of 33