Tulaan sa Tren
Matuling Sasakyan

ni Teo S. Baylen

  

(Read by Rhea Santos)

 

 

            Ang luntiang nayong pinanggalingan ko

Ay di na matanaw sa sasakyang ito;

Sa hinaba-haba’t tagal ng tinakbo

Tanawi’y iba na, ngayo’y kulay-abo.

Read more...
 
Kay-ikli ng Pagdalaw sa Palawan

ni Rebecca T. Añonuevo


(Read by Rhea Santos)
kay-ikli ng pagdalaw.jpg
 
Kaya ko palang inumin ang buong karagatan.
Itong maliit kong katawan ay lalagyang
tinilamsikan ng hindi maampat
na bughaw, walang hanggang paggalaw –
ang paggulong at pagbulwak ng alon,
ang pasayaw na kislot ng mga batik-batik
na isda, ang pagtitipon-tipon nilang
parang pagdarasal sa paa ng tubig at araw.

Read more...
 
Sa Tabi ng Dagat

ni Ildefonso Santos

(Read by Romnick Sarmenta)

 

 

            Marahang-marahang

manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,

            maglulunoy katang

payapang-payapa sa tabi ng dagat,

            di na kailangang

sapnan pa ang pang binalat-sibuyas,

            ang daliring garing

at sakong na wari’y kinuyom na rosas!

 

Read more...
 
Baguio

ni Manuel Principe Bautista

 

O pakiwal-kiwal sa landas sa bundok

Na anaki’y ahas

Na hindi malaman kung saan susuot!

Ang bubong ng bawat maraanang gulod

Kung  balikang-malas

Ay hindi maiwan at lagging kasunod.

Read more...
 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 Next > End >>

Results 17 - 24 of 33